Huwebes, Setyembre 4, 2014

"Hay! college na" yan ang nasabi ko nung mga araw na nag-iisip ako ng kurso na pwede kong kunin sa kolehiyo, siyempre kilala ang angkan namin na madaming guro kaya di nakakapagtaka na ganito na rin ang ginusto kong kurso. At tsaka dahil sa aking ama na hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya pinili ko itong kurso na ito, gusto kong ipagpatuloy ang gustong kurso ng aking pinakamamahal na ama.

Nang dumating ang araw na sa wakas ako'y isang kolehiyo na, halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Nga pala ako si JC na taga Mataasnakahoy, Batangas at kasalukuyang nag-aaral. Noong una, di ko alam kung saan ang mga nakatakda kong silid kaya nandun lamang ako sa tapat ng gusali na tinatawag nilang CTE Department  o (College of Teacher Education) habang naghihintay ng mukhang mababait na estudyante. At lumipas ang ilang sandali at may napagtanungan akong dalawang babae na sa kabutihang palad ay BSSED 1101 din at kaklase ko. Hindi na ako humiwalay sa kanila para hindi ako maligaw dahil sa             sobrang lawak ng kolehiyo na iyon siguradong maliligaw ako kung mag-isa lamang ako.


Hanggang sa lumipas ang mga linggo at buwan at dumami pa ang mga nakilala at nakaibigan ko sa seksyon namin, nakakapanibago nga lamang kasi dalawa lang kaming lalaki sa seksyon namin. At dito ko rin nakilala ang lifetime crush ko na si Jealyn :) kahit alam ko na hindi talaga pwedeng maging kami eh ayos lang kasi naging close naman kami sa isa't-isa. At siyempre nakilala ko din dito ang dalawang babae na sobrang kong nakaclose at hanggang sa dumami at dumami pa ang aking naging mga tropa sa CTE.

Isa pa ay nung naging officer ako sa isang organisasyong may pangalang Campus Ministry na may kinalaman sa ating Panginoon. Dahil dun narating ako sa Pasig City dahil sa isang seminar na pinunthan ng aming organisasyon ang Live Pure Conference, grabe sulit na sulit ang pagod dahil sa sobrang saya ng seminar na yun. Kaya naisipan ng aming organisasyon na gawin din iyon sa CTE at sa awa ng Diyos naidaos naman namin yun ng maayos. Pero bago ako makasama sa Conference na iyon ay naghirap muna ako para lang dun, ang tagal kong hindi sumuweldo para makaipon para makasama dun.


Madami pang first time ang naranasan ko sa unang semester bilang kolehiyo, naging presidente ako ng aming klase hindi ko alam kung ayaw lang ng iba na maging officer o baka dahil gusto talaga nila ako para sa puwesto na yun. Pero nagustuhan ko at nasiyahan akong maging presidente nila kasi una ang babait ng mga kaklase ko at pangalawa nabigyan kami ng isang mapagmahal na adviser na lagi kaming inaalala na para bang tinuring niya kaming mga tunay na anak. At unti unti ay nakikilala na naming lahat ang ugali at mga katangian ng bawat isa sa amin. hindi lang kami nakilala bilang magkakaklase ngunit bilang isang pamilya rin.

At tulad ng inaasahan nagkahiwalay hiwalay kami dahil secong semester na at hindi kami lahat sabay sabay nagpaenroll. Medyo nalungkot ako kasi ang tagal naming nagkasama tapos magkakaganun na lang lahat. Pero kailangang tanggapin ang mangyayari, at nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakaenroll na din ako ng pangalawang semester bilang first year. Medyo mabilis akong nakapag adjust sa mga kaklase ko kasi kilala ko na ang iba at kaklase ko sila nung unang semester ko sa kolehiyo. At hindi ko akalaing magiging masaya ang semester na ito. Kahit na may mga bagong mukha akong nakikita ay hindi naging mahirap ang makipagkilala at makipagkaibigan sa kanila dahil bukod sa mababait sila ay sobrang nagkakaintindiha kaming lahat. At binigyan pa kami ng super bait na adviser na nagngangalang Mrs. Bonifacia Nelsie Tabujara. Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob namin sa kanya na para bang ang tagal tagal na naming magkasama pero nung lamang kami nagkasama ng matagal. Kaya tuwing may espesyal na pagdiriwang ay pinaghahandaan namin siya nang kung anu-ano na makakapagpasaya sa kanya at hindi niya makakalimutan. At tandang tanda ko pa nung nagbigay ako ng isang mensahe para sa kanya sa harap ng aming buong klase, sobrang saya ko nun mga oras na iyon na kahit sa isang simpleng mensahe ay nasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin at lahat ng pasasalamat na gusto kong sabihin sa kanya ay nasabi ko. Ganun na lamang ang pagrespeto at pagmamahal na binigay namin sa kanya. Hanggang sa ngayon ay ganun pa din ang tingin namin sa kanya isang mapagmahal na guro, kaibigan, kapatid at ina para sa aming lahat.

Ngayong second year na ako sa kolehiyo maraming mga bagay ang naintindihan ko na, na bawat pangyayaring nagaganap sa ating buhay ay plinano ng Poong Maykapal at hindi natin ito kayang baligtarin. Pinili kong maging isang Mathematics major dahil sa gustong gusto ko ang asignaturang ito at ito rin ang gustong kunin sana ng aking ama. Alam ko na bawat desisyong ating ginagawa ay makakaapekto ng malaki sa ating buhay kaya pagkaisipan nating mabuti ang bawat desisyong ating gagawin. Bukod sa bagong taon bilang isang kolehiyo ay may panibago ring hamon na aking kakaharapin, ito ay ang pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok na dadating sa aking buhay. Sa tulong ng mga bago at lumang guro sa ating kolehiyo ay sisiguraduhin kong uunlad ako bilang isang mag-aaral, anak, kapatid at kaibigan. :)


5 komento:

  1. Tama, Buhay-Kolehiyo, pahina ng buhay natin yan patungo sa pagiging PROPESYONAL. Masarap mag-aral, masarap matuto kaya dapat nating pagsumikapan dahil tayo rin ang makikinabang balang araw. :)

    TumugonBurahin
  2. Isa sa mga pinakamahirap na yugto ng ating buhay ang pagiging isang Kolehiyo. Ika nga nila, dito na magsisimula ang totoong buhay. Paano kasi'y pag natapos ito ay ang tunay na buhay na ang susunod. Sabi nila, kailngan ng maging seryoso. Pero hindi naman natin maikakaila na ang pagiging isang kolehiyo ay nakapasayang karanasan rin sa ating buhay. Puno rin ito ng saya, bagong kaibigan at kakilala. Oo, kailangang mag-aral ng mabuti dahil ito ay para sa ating kinabukasan pero bilang isang kabataan kailangan rin natin na magsaya at mag-enjoy. Tamang pagbabalanse lamang ng oras ang kailangan natin. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa bawat iniisip natin hindi maalis ang bawat saya na hatid ng mga bagong karanasan bilang isang kolehiyo, kaya ang pag-unlad natin ay nakasalalay sa ating mga sariling kamay. tamang pagbabalanse ang kailnagan ng mga mag-aaral.

      Burahin
    2. Mahalaga ang maging masaya habang nag-aaral upang maging mas makabuluhan ang ating pagtatapos at pagsusumikap. Pero tatandaan natin lagi ang tunay na layunin natin sa ating pag-aaral. Ang makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay. Mas magiging masaya tayo kung sa bawat pagtanggap ng ating isip sa mga sinasabi at leksyon ng ating mga guro ay kasabay rin ang kaligayahan ng ating puso na dulot ng mga taong nakapaligid sa yugto nitong ating buhay, ang pagiging kolehiyo.

      Burahin
    3. tama ang sinabi mo na ang pagiging kolehiyo ay isang seryoso ngunit may kaakibat na kaligayahan. at ngayon napatunayan ko na malalaman lang natin ang isang bagay kapag ating naranasan.

      Burahin